Resulta sa pagdinig ng petisyon ni Aga Muhlach, inaabangan

NAKABITIN pa rin hanggang ngayon ang pagtakbo ng aktor na si Aga Muhlach sa 2013 midterm elections bilang congressman ng ika-apat na distrito ng Camarines Sur.

Ngayong araw, ay muling didinggin ang petisyon laban sa kanyang pagiging leigal na botante sa bayan ng San Jose na isinampa ni ex-Mayor Gil Pacamarra.

Sa isang panayam, kumpiyansang sinabi ni Muhlach na walang kuwestiyunable sa kanyang pagpapatala bilang legal voter sa lalawigan dahil matagal nang naninirahan sa lugar ang kanyang pamilya.

Taliwas ito sa posisyon ni Pacamarra na umano’y ngayong taon lamang nagsimulang bumisita sa kanilang bayan ang aktor at asawang si Charlene.

Kaugnay nito, muling haharap si Muhlach sa Election Registration Board sa naturang bayan kasama ang kilalang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal.

Una nang tiniyak ni Provincial Election Officer Atty. Noriel Badiola na tatanggapin nila sakaling magsumite ng certificate of candidacy si Muhlach sapagkat wala pa namang ibinababang desisyon ang Comelec.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply