Retired police bangkay na nang matagpuan

BANGKAY na nang matagpuan ang isang retiradong Pulis-Maynila sa bahay mismo nito sa Sauyo, Quezon City kaninang umaga.

Nabatid na tadtad ng saksak ang biktimang si Virgilio Peskesa, 54-anyos.

Napag-alaman pang nagpa-blotter kagabi ang pamilya ng biktima dahil sa hindi mabuksan ang kanilang bahay.

Dahil dito, sinamahan ng mga awtoridad ang pamilya ng biktima kinaumagahan upang buksan ang bahay ngunit tumambad sa kanila ang nakahandusay na bangkay ng kanilang padre de pamilya.

Habang hindi naman mahagilap hanggang sa kasalukuyan ang dalawa nilang houseboy.

Base sa pahayag ng asawa ng biktima, may tumawag sa kanya na nagsabing nakita umano ang kotse ng biktima sa Mexico, Pampanga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply