Revamp sa DILG

“HE MEANS business.” Tila, yan ang nais iparamdam ni bagong DILG Sec. Mar Roxas. Kaya ang ulat, magkakaroon ng revamp sa naturang ahensya.

Si Usec. Rico Puno na malapit na kaibigan ni Pangulong Noynoy Aquino ay ang unang ‘casualty’ sa aksiyon ng newly appointed interior boss.

Si Puno na – alam ng lahat – na Usec lang pero siyang may hawak ng police, bumbero at jail ay malilipat sa ibang departamento ng gobyerno.

Ibig sabihin, kung noon ay dalawa ang boss sa DILG sa katauhan ng yumaong Sec. Jesse Robredo at Usec. Puno, ngayon ay isa na lang, sa katauhan ni Roxas.

Dalangin natin eh magtagumpay si Roxas sa kanyang bagong assignment.

Makakalikasan galit kay Paje

Sumabog na ang galit ng isang pari na lider ng grupong makakakalikasan laban kay DENR Sec. Ramon Paje.

Aba’y direkta nang inakusahan ni Father Pete Montallana, chair ng Save Sierra Madre Net-work Alliance (SSMNA) si Paje na nuno ng sinungaling at protektor ng mga illegal logger na sumisira sa mga kabundukan at kagubatan.

Hiniling pa niya kay Pangulong Aquino na palitan na si Paje sa DENR. Ibinuking ni Father Montallana ang talamak ang kasinungalingan sa DENR sa ilalim ni Sec. Paje na humahantong pa sa pagtatanggol ng mga opisyal nito sa mga indibiduwal at kompanyang sumisira sa kalikasan ng bansa.

Kung matuwid lang at hindi mga kurakot na kagaya ni Paje ang nakaupo sa DENR baka magkaroon na ng pag-asang sumigla at mabuhay ang mga nangamatay nating kagubatan.

Mantakin niyo, imbes daw kasuhan ng DENR ang mga lumalabag sa batas na malalaking logging company, e, ipinagtatanggol pa sila ng mga tiwaling DENR official sa pamumuno ni Paje.

Bakit kanyo? Nagsusumbong ang SSMNA kay Paje ukol sa kamalasaduhan ng ilan niyang tauhan sa mga lalawigan pero patuloy lang na nagbibingi-bingihan ang kalihim.

Hindi kaya may lagay rin kay Paje ang mga illegal logger kaya wala siyang kibo?

Hindi naipatutupad ang EO 23 o ‘yung utos ni PNoy na iba-wal na ang logging dahil nagkalat ang mga korap na tauhan ng DENR na nagbibigay pa ng pahintulot sa mga logging company na mamutol ng mga punongkahoy sa kagubatan at kabundukan. Wala kasing silbi si Paje.

Nakatatakot ang patuloy na kawalang-silbi ni Paje sa DENR lalo na’t sunod-sunod ang nangyayaring kalamidad sa ating bansa partikular sa mga probinsiya na kinalbo na ang mga kabundukan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply