Reyes bros kinasuhan ng paglabag sa Phil Passport Act

SINAMPAHAN na ng kasong paglabag sa Philippine Passport Act si dating Palawan Governor Mario Joel Reyes, kilalang sangkot sa pagpatay sa broadcast journalist na si Doc Gerry Ortega, makaraang magawa nitong makapuslit palabas ng bansa gamit ang pekeng pasaporte sa Pasay City Prosecutors Office.

Batay sa anim na pahinang complaint-affidavit na inihain ni Michaella Angeli Ortega, anak ng na napaslang na broadcast journalist, sinabi nito na nagpalabas na ng Hold Departure Order (HDO) si Puerto Princesa Regional Trial Court Judge Angelo Arizala laban sa magkapatid na Joel at Coron Mayor Mario Reyes matapos na magtago makaraang mapatunayang sangkot sa pagpatay sa kanyang amang si Doc Gerry na
tinambangan noong Enero 24, 2011.

Sa kabila ng inilabas na HDO, nagawa pa ring makapuslit palabas ng bansa ang magkapatid, kasama ang kanilang abogadong si Hermie Aban noong Marso 18, sakay ng Cebu Pacific flight 51751 patungong Ho Chi Minh City sa Vietnam.

Ginamit umano ng dating gobernador ang isang tampered passport sa ilalim ng pangalang Joseph Lim Pe na inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Pebrero 13, 2012 upang makalabas ng bansa na malinaw na paglabag sa umiiral na R.A.8239 o Philippine Passport Act of 1996.

Nakasaad sa reklamo ni Michaella na sinadyang gumamit ng pekeng pasaporte ang dating gobernador sa kanyang paglabas ng bansa upang takasan at makaiwas sa kasong kinakaharap kaugnay sa pagpaslang sa kanyang ama.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply