RH bill hindi solusyon sa lumalalang kahirapan – Villar

NANINDIGAN ang mag-asawang senador Manny at Cynthia Villar na hindi na kailangan ng bagong batas para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at magkaroon ng maayos na pamilya dahil sa patuloy na giriin ng mga Senador at Kongresista sa RH Bill.

Ayon kay Villar, napakarami nang batas ang umiiral sa Pilipinas na tumutugon sa pagpapatatag ng ekonomiya ng bansa at family planning.

Hindi rin kakayaning resolbahin ng RH bill ang lumalaking problema ng populasyon lalu’t hindi naman ito ang ugat ng kahirapan sa bansa.

Kaugnay nito tiniyak ni Villar wala silang planong suportahan at bomoto pabor sa RH bill tulad ng kanyang anak na si Las Pinas Congressman Mark Villar.

Samantala, hindi naman umano kapani-paniwala ang score cards ng ilang senador kaugnay sa mga botong makukuha pabor at kontra sa Reproductive Health (RH) bill.

Ayon kay senador Francis Escudero, malabo ang mapulsuhan ang mga senador kung aayon o hindi sa pagsasabatas ng RH bill dahil hindi pa naikakamada ang pinal na bersyon nito.

Sa ngayon ay nasa period of amendments pa ang RH bill o binabago pa ang mga probisyon nito at walang katiyakan kung ano ang kalalabasan ng amendments lalo na sa mga kritikal na probisyon nito ukol sa contraceptives, abortion at population control.

Sa magiging resulta umano ng amendments magkakatalo kung ano magiging boto ng mga senador sa panukala.

Nauna nang sinabi ni senador Panfilo Lacson na 14-senador ang siguradong pabor sa RH bill kaya tiyak na itong makakalusot sa Senado.

Sa score card ni Senator Jinggoy Estrada, 10 ang malamang na lumabor at 10 ang kokontra sa RH bill habang tatlo ang ang undecided pa.

May siyam na bilang naman si Senate President Juan Ponce Enrile sa tiyak nang kontra sa RH bill, walo ang pabor at undecided pa umano ang anim.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply