RH bill o poverty measure, tututulan pa rin ng Simbahan

KAHIT pa amyendahan at palitan ng pangalan ay tutol pa rin umano ang Simbahang Katoliko sa pagsasabatas ng kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill dahil hindi nila maaaring ikumpromiso ang kanilang posisyon pabor sa buhay.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, kahit pa palitan ng mga proponents ang pangalan ng RH bill at amyendahan ito, ay ito pa rin ang dating panukalang batas na ang layunin ay bawasan ang populasyon ng bansa, kaya’t hindi sila maaaring pumabor dito.

“It’s still the same measure with the purpose of depopulation,” ani Arguelles.

“Whatever they do to that RH bill, whatever their explanation, they really want to implement it because it is being imposed on us by those who would like to eliminate us,” paliwanag pa ng arsobispo.

Reaksiyon ito ni Arguelles sa ginagawang pag-amyenda ng House of Representatives sa panukala upang solusyunan ang mga concern ng mga tumututol dito, kabilang na ang simbahan.

Sinabi ni Majority Floor Leader Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales na layunin ng pag-amyenda na i-highlight ang panukala bilang ‘poverty measure’ sa pamamagitan nang pagpaplano ng pamilya at gawing available sa mga mahihirap ang RH services.

Iginiit naman ni Arguelles na ang simbahan ay katuwang ng pamahalaan sa pagsugpo ng kahirapan ngunit hindi aniya sila pabor kung gagastos ang pamahalaan ng milyun-milyong piso para lamang sa artificial birth control.

“Anti-poverty measure is right but you remove poverty by killing the poor. That’s not fair,” pagbibigay-diin pa ni Arguelles.

“For instance, they are saying that there are too many people but less food to eat. Take care of the farmers. Don’t deprive them of their lands that they till. Be serious about agrarian reform,” aniya pa.

Nanawagan din naman si Arguelles sa pamahalaan na higit na pahalagahan ang edukasyon, sa halip na ang mga condoms, pills at iba pang contraceptives.

“Use the money for education and provide means of livelihood for adults would certainly have a lasting effect,” aniya pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply