Rice program vs tagtuyot inilunsad ng DA

UPANG mapaghandaan ang magiging epekto ng tagtuyot at maprotektahan ang mga pananim, iniutos ng Department of Agriculture sa lahat ng kanilang field units sa buong bansa na bumuo ng El Niño Action Team umpisa ngayong Oktubre hanggang sa kapaskuhan.

Kamakailan ay naglabas ng kautusan si Assistant Secretary Dante S. Delima, national rice program coordinator, kaugnay sa inilabas na pagtaya sa panahon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) na mararamdman ang El Nino phenomenon sa huling quarter ng taon .

Batay sa forecast sinabi sa forum ni Senior weather Specialist Anthony Joseph Lucero ng PAGASA nakikita nila na malaking bahagi aniya ng Luzon at iba pang parte ng bansa ang maapektuhan ng El Nino sa panahon kung saan tradisyunal na inaasahan ang malakas na pag-ulan

Dahil dito maapektuhan aniya ang produksiyon ng bigas sa mga lugar na kinakailngan ang tubig ulan at malalagay pa sa alanganin ang supply ng ng tubig sa mga irigasyon.

Inaasahan naman ng Bureau of Agricultural Statistics (BAS) na ang magiging produksiyon ng bigas para sa second half ng 2012 ay aabot sa 9.92 million MT, 8.9% mas mataas kumpara noong isang taon na nasa 9.11 million MT.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply