Rico Blanco may pagnanasa raw kay Shaina Magdayao

MATAGAL na raw talagang humahanga itong si Rico Blanco kay Shaina Magdayao. Time palang ng hit nilang teleseryeng Imortal, tuwing nagpupunta ng ABS-CBN si Rico at nakita nito si Shaina ay pasulyap-sulyap ang soloistang Rock singer sa ex ni John Lloyd Cruz.

Siyempre deadma lang naman si Shaina dahil noong mga panahong ‘yun ay ma sayang-masaya siya sa piling ni Lloydie. Pero dahil true love ang nararamdaman raw ni Rico sa maganda at seksing young actress ay di siya tumitigil sa pagpaparamdam.

Nang magkita nga sila nito sa isang bar sa Ortigas ay talagang di na nakapagpigil pa ang singer-actor at bumati siya kay Shaina na sinuklian naman daw ng actress ng ngiti. Sabi, seryoso si Rico na ligawan ang dalaga pero nagbitaw ng salita si Shaina sa The Buzz last Sun- day na this time sa kanyang pagmo-move on ay magiging wiser na siya.

Chikboy ba si Rico? Parang hindi naman dahil sa tinagal-tagal ng nasabing sikat na rocker sa showbiz ay isang girlfriend pa lang ang nabalitaan natin sa kanya at ito ay walang iba kundi ang ex niyang mega daughter na si KC Concecion.

We find him maldito pero matindi raw kung magmahal ng babae. Well, kung talagang love mo just fight for it, gyud!

***

Aga Mulach at Regine Velasquez, ang love team na may staying power

IMAGINE, since 1999 ay nagtambal na sa pelikulang Dahil May Isang Ikaw sina Aga Muhlach at Regine Velasquez at mega blockbuster ang movie.

Then nabigyan ng follow-up ang dalawa at naging certified love team na sa Pangako, Ikaw Lang noong 2001 na mas matindi ang kinita nito sa box office. At dahil hit na hit ang tambalan nina Aga at Regine, hindi talaga tumitigil si Boss Vic del Rosario kahit alam nitong hectic ang schedule ng kanyang mga artista para gumawa uli sa kanya ang mga ito ng bagong pelikula.

Napagbigyan naman si Boss Vic at heto na nga, after three years, nalalapit na ang showing ng biggest romantic comedy movie of the year ni Aga at ng Asia’s Songbird na Of All The Things. Palabas na ito sa starting September 26 sa maraming sinehan nationwide.

Ang bentahe ng pelikula ay maganda ang materyal at talagang kikiligin ang moviegoers sa mga eksena nina Berns(Regine) at Umboy(Aga) rito. At siyempre ang director, hanep rin ang lakas ng dating sa box office and we are referring to Binibining Joyce Bernal.

Co-prod bale sa nabanggit na project ang Viva at GMA Films. Abangan na lang ang kanilang red carpet premiere na gaganapin bago ang kanilang grand opening day.

Ewan lang namin kung may sound track ang movie dahil halos lahat ng movie na ginawa ni Regine sa Viva ay may OST na selling like hotcake rin sa mga record bars. I’m excited to watch gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply