Ride for a cause

MAGSASAGAWA ng ng isang malaking advocacy project ang Department of Transportation and Communications (DOTC) sa darating na Setyembre 22, 2012 hanggang Nobyembre 18, 2012. Tinawag nila itong 2W Ride for a C.A.U.S.E. o ride for Call for Action, Unity, Safety & Equality.

Sa pakikipagtulungan ng DOTC sa MRO/MAP, ARMAS at MDPPA magsisimula ang advocacy na ito sa  General Santos City at magtatapos sa Mall of Asia sa Pasay City. Dala ang lahat ng Local Government Unit mula Mindanao, Visayas at Luzon.

Layon ng proyektong ito na mapagka-isa ang lahat ng mga riders mula Mindanao hanggang Luzon at maipakita ang safety riding sa lahat ng mga motorista lalo na ngayon na dumarami ang aksidente sa kalsada na sangkot ang mga motorsiklo.

Ang event na ito ay bukas sa lahat ng riders o grupo na handang sumuporta para sa kaligtasan ng lahat ng mga motorista.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply