Riding-in-tandem
na-hit-and-run, dedo

NAMATAY ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo matapos ma-hit-and-run sa kahabaan ng national highway sa Barangay Udiao, bayan ng Rosario, La Union.

Nagkalasog-lasog ang katawan ng mga biktima na na kinilalang sina Florante Galinato, 38, driver ng motorsiklo, at ang backrider nito na si Regie Rocapor, 23, kapwa residente ng Barangay Puzon sa nasabing bayan.

Sa paunang imbestigasyon ng Rosario Municipal Police Station, lumalabas na bigla na lamang binangga ng hindi pa natutukoy na uri ng sasakyan ang motorsiklo ng mga biktima.

Sinasabing nakalasog-lasog ang katawan ng mga biktima na halos hindi na makilala dahil sa lakas ng pagkakabangga.

Umaapela ngayon ang pulisya sa mga kababayan na ipagbigay-alam sa kanilang himpilan kung may alam sa pangyayari.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply