Rise and Fall ni Marcos, isasalibro ni Enrile

NAKATAKDANG sumulat si Senate President Juan Ponce Enrile ng isang libro hinggil sa tagumpay at pagbagsak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kabilang ang pagdedeklara ng batas militar na gumimbal sa buong bansa noong 1972.

Inihayag ito ni Enrile nitong Biyernes sa harap ng paggunita ng ika-40 anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law noong September 21, 1972 upang maituwid ang mga maling litanya hinggil kay Marcos at batas militar.

“(I will write) my memoir. Part 1 is God and Guts, and  Part 2 is riding the Tiger, with only one edition,” ayon kay Enrile.

Sinabi ni Enrile na lilinawin ng kanyang libro ang pangyayari at haka-haka hinggil sa dating diktador upang matukoy ang tagumpay at pagbagsak ng rehimeng Marcos.

“I memorialized the events in that book so that young and future generations will know what really happened,” aniya.

“There were so many distorted stories, distorted presentation about what happened during the years of martial law. There were internal conflicts that were not known. There was a process of outburst already that happened that were not known. Wala nakakaalam nun kundi kami lang. at ako lalo na dahil ako,  I was the center of this talk,” dagdag ni Enrile.

Aniya, pangunahing laman ng libro ang lahat ng may kaugnayan kay Marcos.

“I think you will read it in this book. It will trace the rise and fall of the Marcos regime,” aniya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply