Robredo, 8 pa binigyan ng Presidential Lingkod Bayan Award

KAHIT sabihin pang too late the hero na ang pagkilala ay pinarangalan pa rin ni Pangulong Benigno Aquino III ang yumaong DILG Sec. Jesse Robredo.

Binigyan ng Chief Executive ng posthumous Presidential Lingkod Bayan Award si Robredo na tinanggap naman ng anak nitong si Jessica “Aika” Robredo.

Isa si Robredo sa mga awardees na napili mula sa 383 nominado na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa na masusing hinimay  ng Honor Awards Program ng pamahalaan.

Bukod sa namayapang Kalihim ay pinarangalan din si Maj. Harold Cabunoc, ang spokesman ng Philippine Army; C/Supt. Arturo Cacdac, deputy chief for administration ng PNP; Balanga Mayor Jose Enrique Garcia III; Aminoding Macarampat, ang chief revenue officer III ng BIR sa Marawi City; Dr. Jaime Montoya, ang executive director III ng Philippine Council for Health Research and Development; Batangas Gov. Vilma Santos; San Fernando, Pampanga Mayor Oscar Rodriguez; B/Gen. Romeo Tanalgo, chief ng AFP Command Center; Philippine Overseas Labor Office – Libya Team mula sa Department of Labor and Employment at Philpass Remit System ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Tumanggap ng tig-P200,000 ang mga awardees, bukod pa sa kanilang golden medallion, plaque of citation na may lagda ni Pangulong Aquino, scholarship grant at iba pang insentibo.

Samantala, maliban sa Lingkod ng Bayan awardees ay pinarangalan din ang anim na recipients ng Dangal ng Bayan at CSC Pagasa Awards.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply