Rolito Go, ipinalilipat sa Leyte Provincial Jail

IPINALILIPAT si Rolito Go sa Leyte Provincial Jail.

Ang pagpapalipat kay Go ay hinihiling ni Grace Maguan, kapatid nang napatay ni Go na si Eldon Maguan sa kinauukulang ahenya na nakasasakop sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Maguan, maaaring dalhin sa Leyte si Go upang hindi na sila maligalig sa Metro Manila.

Nabalitaan umano nilang halos 2,000 ang kapasidad ng Leyte Provincial Jail subalit nasa 400 mahigit pa lamang ang nakapiit dito kaya’t uubrang mailipat sa naturang bilangguan si Go.

Hindi pa rin mapanatag ang pamilya Maguan kahit pa inilipat si Go sa Maximum Security Compound ng NBP.

Ayon kay Grace Maguan, alam niyang gumagana pa rin ang pera ng negosyante kaya kahit nasa pinakamahigpit na itong seguridad ay nakalalabas pa rin.

Sinabi ni Maguan na nasa ospital lamang ng NBP si Go sa kabila nang paglipat dito sa maximum security mula sa minimum security matapos itong mapaulat na dinukot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply