Rolito Go magpapagamot na sa labas ng NBP

PINAYAGAN na ng Department of Justice (DOJ) ang murder convict na si Rolito Go para sumailalim sa regular medical treatment sa Chinese General Hospital and Medical Center dahil sa rectal cancer.

Batay sa ulat, binigyan na ng DOJ ang pamunuan ng NBP ng ‘go signal’ para eskortan si Go mula sa national penetentiary sa Muntinlupa City para magtungo sa Chinese General Hospital, Manila para sumailalim sa chemotherapy.

Batay sa pagsusuri, si Go ay mayroong rectal cancer. Anim na NBP custodial personnel ang sasama kay Go sa ospital.

Si Go ay isang negosyante na nahatulang guilty sa pamamaril at pagpatay sa college student na si Eldon Maguan noong 1991 dahil sa away sa trapiko.

Batay sa rekord si Go ay living out prisoner sa Minimum Security Compound sa Muntinlupa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply