Rookie cop sumemplang sa motorsiklo, tepok

PATAY ang isang rookie cop matapos sumemplang kagabi sa sinasakyang motorsiklo sa Quezon City.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Rizal Medical Center ang biktima na kinilalang si PO1 Sandy Ante, 30, nakatalaga sa 3 rd PSC-RSSB , NCRPO, Camp Bagong Diwa at residente sa Block 6, Lot 3, Legion Calsadang Bago. Imus, Cavite.

Nagtamo umano ng grabeng pinsala sa ulo ang biktima na naging sanhi sa kanyang pagkamatay .

Batay ulat ni SPO1 Henry Se ng Quezon City District Traffic Sector 3, naganap ang insidente dakong 11:35 gabi kagabi sa northbound lane sa may fly over sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr. Ave., Brgy. Ugong North sa Quezon City .

Ayon sa ulat ng QC traffic sakay ng kanyang Kawasaki motorcycle (ZK-8675) ang biktima sa lugar nang biglang umekis ang takbo ng motorsiklo hanggang sa mawalan ito ng balanse at sumadsad sa bangketa .

Dahil sa impact ay tumama ang ulo ng biktima sa kongkretong kalsada bago nagpagulong-gulong .

Mabilis namang naitakbo ng rescue team ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang biktima sa pagamutan subalit binawian din ito ng buhay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply