RORO vessel nagkaaberya, mga pasahero ligtas

NANGAMBA at natakot ang mga pasahero ng isang roll-onroll-off (Roro) vessel kagabi matapos na makaranas ng power failure ang barko sa Cebu City .

Nabatid na galing umano ang roro vessel na M/V Lady of the Angels sa Cebu Port dakong alas 9:00 kagabi at habang naglalayag ganap na alas 12:00 ng hating gabi ay bigla na lamang nagkaaberya.

Dahil dito, nangamba at natakot ang mga pasahero nito.

Agad namang nakahingi ng saklolo ang isang pasahero sa Office of the Defense (OCD) Region 8 at mabilis namang nakapagresponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Eastern Visayas.

Ligtas naman lahat ang mga pasahero ng nasabing barko makalipas ang halos dalawang oras bago naibalik ang suplay ng kuryente.

Ayon sa PCG, natuloy din sa paglalayag ang roro vessel at maayos na nakadaong ito sa pier ng Bato, Leyte .

Wala namang naiulat na nasaktan na pasahero at tripulante ng M/V Lady of the Angels.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply