Rotational brownout, muling mararanasan sa Iligan

MULING makararanas ng rotation brownout ang mga residente makaraang ipatupad na naman ng Iligan Light and Power Incorporated ang rotating brown-out sa lungsod simula kahapon.

Ang kakapusan ng kuryente ay base sa kautusan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na kailangan ang rotational brownout dahil sa mababang power supply.

Una nang inihayag ni City Councilor Atty. Moises Dalisay Jr., noong nakaraang session sa city council na magiging brownout free na ang siyudad pero sa hindi inaasahang pangyayari nasunog ang control cable switchyard na daanan ng kuryente sa Agus 6 at 7.

Sinabi ni Atty. Cynthia Alabanza, spokesperson ng NGCP na isa ang pagkasunog sa dahilan ng brown-out sa Iligan sapagkat nabawasan umano ang supply ng kuryente ng 166 mega watt.

Patuloy pang hinahanapan ngayon ng solusyon ng NGCP na makakukuha ng dagdag na supply ng kuryente.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply