Roxas, 2 pa, tinabla ni Miriam sa CA

HINDI pa naman nakakaupo, kaagad nadiskaril ang kumpirmasyon ni Secretary Manuel Roxas bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government matapos tuluyan nang harangin ang kumpirmasyon nito sa Commission on Appointments (CA) nitong Martes.

Napag-alaman na lumiham si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa CA upang pormal nang kontrahin ang kumpirmasyon ni Roxas kabilang ang dalawa pang miyembro ng Gabinete na hindi dumalo sa imbestigasyon kay Rico Puno.

“Out of deference, I have to inform you that at the CA plenary session this Wednesday at 1:00 p.m., i intent to veto the confirmation of Sec. Manuel A. Roxas II,” ayon sa liham ni Santiago na may petsang Sept. 18, 2012.

Ngunit sabi ni Santiago na wala siyang personal na galit kay Roxas, ngunit kailangan nilang gawin ito bilang pagtupad sa bantang haharangin ang sinumang miyembro ng Gabinete na hindi dumalo sa Puno probe.

“However, I have announced that I shall oppose the confirmation of any cabinet member whom I invited to the Rico Puno hearing, held on Sept., 14, 2012, but who all declined to appear,” aniya.

“In so doing so, I wish to stand by the principle of checks and balances between the executive and the legislative branches of government,” dagdag ni Santiago.

Sinabi pa ni Santiago na sakop ng liham ang hindi pa nakukumpirmang sina Justice Secretary Leila De Lima at Environment and Natural Resources Sec. Ramon Paje.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply