Roxas, Abaya di makaka-upo hanggat di nakukumpirma ng CA

KAILANGAN umanong maaprubahan muna ang kumpirmasyon sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) bago makaupo ang dalawang bagong miyembro ng gabinete ng Aquino administration.

Ayon kay Senador Edgardo Angara, hindi muna makakaupo sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas at Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya sa kanilang mga bagong posisyon.

“Hindi pa sila pwede mag-assume, illegal yan pag-nag-act sila,” ani Angara.

Giit ng senador, mananatiling DOTC secretary si Roxas hangga’t hindi ito nakukumpirmang bagong kalihim ng DILG.

“So Mar is still the DOTC secretary. He cannot act as DILG Secretary,” ani Angara.

“The only time he can assume [office is] when we have our break on September 22 or pag na-confirm [na siya,” ani Angara.

Dagdag pa ni Angara, matagal pa umanong makakaupo sa DOTC si Abaya dahil marami pa itong naiwang trabaho sa kongreso, gaya ng panukalang 2013 budget.

“Si Abaya sabi niya tatapusin niya…si Mar pwede na mag-move so his papers ought ot be sent to us and I think in one sitting,” ani Angara.

Matatandaang noong Biyernes, itinalaga ni Pangulong Aquino si Roxas bilang bagong DILG chief at si Abaya sa DOTC.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply