Roxas bumiyahe na pa-China

NILINAW ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na walang kinalaman sa kontrobersyal na back channeling talks ang kanyang biyahe sa China.

Tumulak na kagabi si Roxas patungong China kasama ang ilang miyembro ng Philippine delegation para dumalo sa 9th China-ASEAN Expo (CAEXPO) matapos italagang special envoy ni Pangulong Aquino sa China.

Ayon kay Roxas, pangunahing dahilan ng kaniyang biyahe sa China ay para makipag-usap kay Chinese Vice President Xi Jin-Ping dala ang mensahe ng Pangulong Aquino.

Diplomasya aniya ang gagamitin niya para maplantsa ang kung anuman ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa.

Samantala, bago umalis si Roxas sinabi nito na wala pa rin siyang napipisil  na kapalit nang nagbitiw na si DILG Undersecretary Rico Puno.

Ayon kay Roxas, habang wala pang undersecretary, tututukan muna niya ang mga usaping may kinalaman sa pulis.

Binigyang diin ni Roxas na mayroon na siyang inilatag na priority projects sa DILG.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply