Roxas di pinagbibitiw bilang pangulo ng LP

NANINIWALA si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na hindi kailangang bitiwan ng bagong talagang DILG Secretary Mar Roxas ang pagiging pangulo ng Liberal Party (LP) upang higit na magampanan ang iniatang na tungkulin.

” I dont think that his position as DILG Secretary will affect his duty as president of the Liberal Party. It is just natural that if he was appointed by the President, natural lang na he enjoys the trust and confidence of the president. Wala namang pakialam ang pagka-pangulo niya sa partido ng LP sa trabaho niya sa DILG.” ani Estrada.

Ayon sa senador, hindi gagamitin ni Roxas ang pagiging presidente ng partido sa trabaho niya bilang DILG.

Sa kabila nito, hindi naman nababahala si Estrada na may malaking advantage ang LP sa United Nationalist Alliance (UNA) sa pag-upo ni Roxas sa bagong pwesto.

“Normal lang iyon. Lahat naman, lahat naman of course will exert all the influence needed.

Natural lang iyon. Kami naman we are also exerting influence, we have our top endorsers Vice President Binay and former President Estrada. Of course, we will have to use them,” ani Estrada.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply