Roxas ipinatawag ni PNoy sa Malakanyang

BAGAMA’T hindi pa kumpirmado ng Commission on Appointments (CA) ay ipinatawag na ni Pangulong Benigno Aquino III sa pulong si incoming Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa Malakanyang.

Inamin ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na si Roxas nga ang nakasama ni Pangulong Aquino sa pulong kasama sina Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. at PCOO Usec. Manuel L. Quezon III.

Si Roxas ay nakatakdang dumaan sa butas ng karayom ng CA sa darating na Miyerkules, Setyembre 19, 2012.

Samantala, malaki umano ang kinalaman ng eleksyon sa pagkalampag ni Pangulong Benigno Aquino III kay PNP chief Director-General Nicanor Bartolome na ikunsidera ang maagang pagreretiro nito sa puwesto.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, kailangan kasing mabigyan ng pagkakataon ang papalit sa puwesto ni Bartolome na maging pamilyar sa trabaho nito bilang bagong hepe ng PNP.

Ayaw namang magbigay ng opinion si Lacierda kung igigiit nga ni Pangulong Aquino kay Bartolome na targetin ang buwan ng Disyembre o Enero na magretiro na sa puwesto.

Si Bartolome ay nakatakdang magretiro sa buwan ng Marso habang ang eleksyon sa bansa para sa susunod na taon ay sa buwan ng Mayo.

Sa kabilang dako, bahala na si Pangulong Aquino kay Bartolome kung ano ang gagawin niya rito sa oras na pagbigyanng heneral ang hirit ng Punong Ehekutibo na maaga itong magretiro sa pwesto.

“We will leave it with the President and General Bartolome to discuss that. We have no—I have no details of that. And remember General Bartolome said, “I serve at the pleasure of the President,” aniya pa rin.

Si Bartolome ang sinasabing napipisil na ipapalit ni Pangulong Aquino sa nagbitiw sa puwestong si DILG Usec. Rico Puno.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply