Roxas kinumpirma ng CA sa DILG

KINUMPIRMA ng makapangyarihang Commission on Appointment  (CA) ang nominasyon ni dating Senador Manuel “Mar” Roxas II bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government matapos bawiin ni Senador Miriam Defensor-Santiago ang mosyon nito na tumututol sa nominasyon.

Sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na matapos bawiin ni Santiago ang mosyon nito na gumagamit ng Section 20 sa nominasyon ni Roxas, at wala nang oposisyon, kinumpirma kaagad ang nominasyon ni Roxas.

“Is that a withdrawal for motion on the suspension of the consideration of the nominee, thereby, the nomination of the Manuel Acuna Araneta Roxas II as Secretary of the Interior and Local Government the motion is hereby approved and the nomination is hereby confirmed,”  ayon kay Enrile.

Bago aprubahan ang nominasyon ni Roxas, ginamit ni Santiago ang Section 20 ng CA Rule na siyang magsususpendi sana sa kumpirmasyon ng kalihim.

“Because that the administration has snubbed my public hearing last Friday on Rico Puno, I as a member of the Commission, hereby invoke Section 20 for the suspension of the consideration of the nomination of Sec. Roxas,” Ayon kay Santiago.

Ngunit biglang tumayo si Sotto saka umapela kay Santiago na iurong ang kanyang mosyon.

“May we appeal for the graciousness of Senator Santiago to withdraw her motion invoking Section 20,” ayon kay Sotto.

Dito, tumayo si Santiago saka binawi ang mosyon na humaharang sa kumpirmasyon ng nominasyon ni Roxas.

“Mr. President may high intelligent quotient dictated that he must be considered therefore withdraw my motion to suspend the consideration on the nomination of Secretary Roxas,” ayon kay Santiago.

Inaprubahan din ng komisyon ang nominasyon ni Cavite Rep. Jopseph Emilio Abaya bilang kalihim ng Department of Transportations and  Communications (DOTC) nang walang oposisyon.

Bukod dito, aprubado din ng CA ang nominasyon sa pagpapataas ng ranggo ng 106 opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP)./ Ernie Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply