Roxas sa DILG, suportado ng liga ng mga barangay

SUPORTADO ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President at Caloocan City Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri ang pagkakatalaga ni Secretary Mar Roxas bilang bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Echiverri, nararapat si Roxas sa posisyong iniwan ng yumaong si Jesse Robredo dahil kilala ang bagong kalihim ng DILG bilang isang “action man” na handang tumupad sa kanyang tungkulin anumang oras.

Naniniwala rin si Echiverri na kayang tugunan ni Roxas ang mga pangangailangan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire and Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at ng mga lokal na pamahalaan na kabilang sa mga tungkulin ng DILG.

Naniniwala rin ang konsehal na kayang ipagpatuloy ni Roxas ang mga repormang sinimulan ni Robredo sa DILG bukod pa sa pareho silang tumatahak sa “Daang Matuwid” na siyang nais ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, III.

Makatutulong din aniya ang kasanayan ni Roxas sa government service bukod pa sa pagkakaroon nito ng exceptional leadership at management skills sa paghawak sa malaking departamento tulad ng DILG.

Unang napasabak sa politika si Roxas nang mahalal na kongresista ng unang distrito ng Capiz sa ginanap na special election kung saan ay pinalitan nito ang kanyang kapatid na namatay dahil sa sakit na cancer hanggang sa maging maging majority leader ito sa house of representatives.

Matapos ito, naitalaga si Roxas bilang secretary ng Department of Trade and Industry (DTI) kung saan ay tinagurian siyang Mr. Palengke dahil sa pagsusulong na mapaunlad ang lahat ng palengke at mapangalagaan ang karapatan ng mga mamimili.

Taong 2004 nang manalo bilang senador at noong 2010 ay nagbigay-daan ito kay Pangulong Aquino para sa presidential election hanggang sa maitalaga itong DOTC secretary at ipalit kay Robrero bilang kalihim ng DILG.

Dahil sa mga narating na ito ni Roxas ay naniniwala si Echiverri na magagampanan ng bagong kalihim ang kanyang mga trabaho bilang secretary ng DILG at magiging matagumpay ito sa bagong posisyong hahawakan.

About Gwenn

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>