Rumored intimacy noon kay Jean Garcia, denenay ni John Lloyd!

IPINAGTAPAT ni John  Lloyd Cruz sa presscon ng The Mistress na showing na sa Sept. 12 na minsan raw sa isang buhay niya ay nakipagrelasyon din siya sa isang taong may karelasyon na.

Hindi ni-reveal ng actor kung sino ang babeng ‘yun.

May mga humuhula na si Jean Garcia raw ‘yun dahil nu’ng matsismis sila ay may boyfriend diumanong Japanese si Jean.

Sagot  ni John Lloyd, hindi raw naman naging sila ni Jean. Non-showbiz daw yung girl.

Ganun?

-0o0-

MATINDI talaga ang chemistry nina Aga Muhlach at Regine Velasquez nang mapanood  namin ang trailer ng ‘Of All The Things’. Sila ‘yung nagkaroon na ng kanya-kanyang pamilya pero matindi pa rin ang karisma pag nagsama.

Umamin naman si Aga na nagkagusto siya kay regine pero hindi alam ng Songbird.

“Na-in love ako sa kanya, naging girlfriend ko siya, nag-break na kami, naglasing na ako dahil sa kanya — hindi pa niya alam yun.The whole time, galit siya sa akin dahil late ako parati,” kuwento ni Aga sa presscon.

“Kaya nga siguro kami ni Reg, parang masarap kaming magsasama, maganda yung kumbinasyon namin. Siguro dahil, if you’re talking about attraction, there’s attraction naman. Ako, nagagandahan ako kay Reg, maganda naman talaga siya. Pero hanggang doon lang kami,” sey pa ng guwapong actor.

Tatlong taon  bago natapos ang pelikulang ‘Of All The Things’. Wala pang asawa’t anak noon si Regine pero showing na ito sa September 26. Hindi naman daw nila in-insist sa Viva na ipalabas na pero nag-go sila nang mag- desisyon ang production. Ito’y sa direksyon ni Joyce Bernal. Kasama sina Gina Pareño, Mark Bautista, Tommy Abuel, Ariel Ureta, Jojo Alejar, Raymond Lauchengco  at Jay Perillo.

Anyway, may mga eksena sina Aga at Regine na kinunan sa Bicol kung saan ay roon din siya tatakbong Congress- man. Nagsabi na rin si Regine na susuporta pag kailangan siya ni Aga.

-0o0-

PERSONAL na inindorso at ipinagmalaki ni Wil Time Big Time Host Willie Revillame ang mga produktong nabuo at nalikha sa livelihood program ng Villar Foundation mula sa mga nagkalat at perwisyong mga waterlily na matatagpuan sa Las Pinas-Zapote River at iba pang mga ilog tungo sa isang makabuluhan bagay at pangangalaga sa Inang kalikasan.

Ang pagmamalaki at pag-iindorso ay ginawa ni Revillame sa mismong programa niya sa Channel 5 tuwing prime time mula Lunes hanggang Sabado matapos na personal na manood ng show si Villar Foundation Managing Director Cynthia Villar kasama ang mga kandidata at ang nagwaging Ms. Waterlily 2012.

Kabilang sa mga ipinakita ni Revillame na halimbawang produkto mula sa waterlily ay cabinet, upuan, tsinelas, basket, lagayan ng maruming damit at malinis na damit, pang dekorasyon at iba pa.

Maging ang mga kasuutang suut-suot ng mga kandidata at nanalong Ms. Waterlily 2012 ay pawang gawa mula sa water lily.

Ang naturang livelihood program ng Villar Foundation ay nakapagbigay ng hanapbuhay sa limang daang pamilya.

Hinimok naman ni Ginang Villar ang lahat na bisitahin o magbigay ng panahon upang lumibot sa Las Pinas upang sa ganon ay makita ang mga programa ng foundation lalo na ang kanilang programang pangkabuhayan.

Kaugnay nito tiniyak naman ni Revillame na asahan na ni Ginang ang suporta niya sa 2013 senatorial election sakaling tuluyan itong magdesisyun na tumakbo.

“Ang mga tulad ninyo na mga mabubuting tao at tumutulong sa ating kapwa at Inang kaliksan ang dapat na tulungan. Umaasa po kayo na kayo ay aking sasamahan sa inyong magiging krusada at laban sa 2013 election,” ani Revillame.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply