Ruru Madrid ‘di mapigilan ang paghanga kay Bea Binene

MAY natutunan si Ruru Madrid sa paghu-host sa last week presentation ng Protégé. Nakaya niyang i-handle si Bea Binene na gumanap bilang mataray at hindi pasisindak na artista na mahirap ma-interview.

Ginawa niyang prangka ang pakikipag-usap kay Bea. Nagpahayag rin siya ng tunay na nalalaman niya sa tween star. Pati love life ni Bea ay halatang well informed si Ruru.

Ang pagtatagumpay ni Ruru sa interview ay bunga na rin ng parehong age level nila ni Bea. Pareho lang silang 14 years old.

Bukod pa rito, sinabi pa ni Ruru na matagal na niyang hinahangaan si Bea sapul pa nang mag-artista via sa search a StarStruck Kid. Halatang matagal na niyang crush si Bea buhat nang napanood sa telebisyon.

Ang pagiging magaling mag-host ng interview ni Ruru ay bungang ng masusing training na ginawa sa 9 finalists ng Protégé nina Lolit Solis at Floy Quintos.

000

Orlando Sol: Another Yul Servo ni Direk Maryo J, humahataw sa drama

NAGBUNGA na rin ang pagsisikap ni Orlando Sol sapul nang i-handle ang career niya ni Direk Maryo J delos Reyes. Aba, lead role na siya sa indie film na “Mariana” na kapartner si Sue Prado, ang sikat na stage actress na ngayo’y lumalabas na sa telebisyon at movies. Ang Mariana movie ay iniikot na sa iba’t ibang panig ng mundo sa mga international film festival. Sa ngayon si Orlando ay nakatakdang lumabas na supporting role sa soap opera nina Dingdong Dantes, Kylie Padilla at Neil Ryan Sese, ang Haram ntg GMA 7.

Nakilala si Orlando ni Direk Maryo J sa isang musical school play kung saan kinakitaan agad siya ng potential sa pagkanta. Kaya isinama agad siya ng kanyang manager-mentor sa grupong M-Gage.

Natapos na ang era kay Orlando ng pagiging teenager kaya isinabak na siya agad sa Masculados 2. Ngayo’y si Orlando ang isa sa pinakabatang member ng all male macho group. Si Orlando ang isa rin sa maaasang may pinakamagandang boses sa grupo.

Sa darating na October 15, isi-celebrate ng Masculados ang kanilang 10th year bilang singing group. Ilu-launch rin ng grupo ang kanilang 4th album sa isang magarbong show na tampok rin ang Masculados seniors na sina Omar Principe, Zoltan Amore at Paranaque city Councilor Bok Brillante. Panauhin sina Kylie Padilla, Bela Padilla at ang Hagibis vocalist na si Sonny Parsons.

000

GMA Network ang official broadcast media partner sa pagdating ni Zac Efron

ANG pinakamalaking broadcast station sa bansa, ang GMA Network, ang official na broadcast media partner na nanapili ng nangungunang entertainment agency PR Asia Worldwide sa nalalapit na Fan Conference ng Hollywood A-list star na si Zac Efron para sa isang clothing line na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa ika-29 ng Setyembre.

Tumutok sa GMA-7 at GMA News TV Channel 11 para sa karagdagang updates sa pagbisita ni Zac Efron sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply