Sa anti-cybercrime law diretso ka sa bilibid

MABIGAT ang parusa sa mga lalabag sa Cybercrime Crime Prevention Act of 2012 o anti-cybercrime law.

Halos lahat ng mga krimen na sakop nito ay  may parusang prision mayor o para sa pagpatay ng tao sa lebel ng homicide.

Mining tu sey, Suki, 6-12 o 6 na taon at 1 araw  hanggang 12 taon ang parusa at maliwanag ito sa mga magkakakosa na nasentensiyahan ng homicide.

oOo

Kasama, Suki, ang libelo sa mga krimen na pinarurusahan ng batas na ‘to sa parteng Article II, Punishable Acts.

Nabilaukan ako habang nagkakape sa nalaman ko.

Paano kang hindi mabibilaukan kung dahil lang sa pag-uulat mo ng totoo at pagpuna mo sa mga onorabol sa kanilang kaaliwaswasan o korapsyon, eh, mabibilanggo ka nang parang nakapatay ng tao?

Alam naman ninyo kung gaano kalakas ang mga onorabol sa mga piskal at huwes sa mga kasong libelo.

Matapos na mag-yes, mayor o kongresman o senador o Presidente ang mga piskal at huwes, andiyan na ang warrant of arrest at posas ng mga pulis para ka mabilanggo.

oOo

Sa ilalim ng Revised Penal Code na kasalukuyang nagpaparusa sa libelo, ang pagkakabilanggo ay nasa 6 buwan at 1 araw hanggang 4 na buwan at 2 araw lamang.

Kapag hinatulan kang nagkasala ng Regional Trial Court, pupuwede kang saluhin ng katulad ni Mayor Lim o ni VP Jojo Binay hangga’t pinal kang hinatulan na nagkasala ng Korte Suprema.

Dito sa anti-cybercrime law, Suki, matapos kang ideklarang nagkasala, diretso ka na sa Bilibid at kakanselahin na ang iyong piyansa.

Habang umaapela ka sa Court of Appeals hanggang sa Korte Suprema, nakakulong ka.

Ganyan ang pagtrato ng mga gumawa at pumirma sa batas na ito sa mediamen at mamamayan na maglabas ng kanilang nalalamang baho sa pamahalaan.

Kadiri sila at sana’y karmahin sila, Suki.


Leave a Reply

*
kagaya mo na malaswa?...
Tama, walang mga moralidad, iniidolo pa naman sila...
tama, you just hit the nail perfectly on the head....
Oo nga, agree ako sa writer na ilan na lang ang na...
NYAHAHAHAHA MATRONA KANOOD KO LANG NGAUN SA SHOWTI...
NYAHAHAHA MATRONA SANA I PROMOTE DIN NI KRIS ANG K...
KAPAY ABANGAN MO PALAGI SHOWTIME KAPAY GUMAGANDA N...
TALENT SILA NG KAMUNING KAPAY MGA WALANG GALANG S...
KAPAY MABUTI PA SI VICE KAHIT BAKLA MADAMI SYANG L...
nyahahahahah ; kapay' nung Holy week si bekin...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.