Sa gitna ng mga kaguluhan ay may umuusbong pa ring buhay

IPALALABAS na sa Dubai International Film Festival ang Thy Womb na pelikula ni Nora Aunor sa direksyon ni Bril lante “Dante” Mendoza. Kamakailan lang ay naitsika ni Direk sa amin na sa first day shooting ng nasabing pelikula, wala siyang ipinagawa kina Guy at sa katambal nito na si Bembol Roco kundi mamangka nang mamangka sa la- ot mula umaga hanggang tanghaling tapat.

Wala silang dialog ni Bembol, walang close up, at hindi sinabi sa kanila kung nasaan ang mga kamera. Sinabi naman sa kanila ni Direk kung ano ang sitwasyon, at pagkatapos ay hinayaan na silang mamangka nang mamangka.

“Natuto talaga silang magsagwan. At wala namang umangal sa kanilang dalawa kung bakit yon lang ang ipinagawa ko sa kanila,” nakangising kuwento ni Direk sa private preview room n’ya sa malawak na opisina n’ya sa Barangka Drive sa Mandaluyong.

Actually, hindi ang Thy Womb ang pinanood namin nung gabing yon, kundi ang isa pang pelikula ni Direk, ang Captive na nagtatampok naman sa French actress na si Isabelle Huppert na dalawang beses nang nagwaging best actress sa Cannes International Film Festival. Ipalalabas na kasi ang Captive nationwide rito sa bansa simula sa Setyembre 5, kaya ipina-preview yon ni Direk sa ilang press people.

Ang Captive ay ibinatay sa mga kidnapping sa bansa na isinagawa ng rebel group na Abu Sayaff ilang taon na ang nakararaan, kabilang na yung naganap nung May 27, 2001 sa Dos Palmas Resort sa Palawan, kung saan may nasangkot na mag-asawang foreigner na social workers, at isang Italyano.

Dahil tungkol sa tunggalian ng mga rebelde at militar ang Captive, di maiiwasang maraming barilan at iba pang violent scenes sa pelikula (halimbawa’y ang walang kunsyensyang pamumugot ng ulo ng mga Abu Sayaff sa mga bihag nila).

Pero hindi lang naman violence ang ipinapakita ng Captive.

Mas nakakaantig ng damdamin ang mga eksena ng kung paano mabubuhay sa gubat ang mga bihag kasama ng mga bumihag mismo sa kanila. May mga bihag na maaaninag ang humanidad ng mga rebelde sa kabila ng mga walang-pakundangan nilang pagpatay.

May mga rebeldeng kalalagpas pa lang sa pagiging teenagers kaya’t parang mga ordinaryong bata rin sila na naghaharutan, nagkakantyawan kapag sila-sila lang ang magkakasama at di sila nakikipagbarilan sa mga militar. May mga rebeldeng kahit paano ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga bihag nila (na, after all, ay pagkakakitaan nila).

Pawang mga lalake ang mga rebelde, at may ilan sa kanila na magnanasa sa mga bihag nilang babae (dalaga man o may asawa ang mga yon), manunuyo, mananakot, manggagahasa, at pipiliting pakasalan sila ng kanilang napusuan.

Halos 20 tao ang dinukot sa resort at sa totoo lang nga ay mas marami ru’n ay  mga Filipino, may ilang of Chi- nese origin, at may ilang Muslim rin na gaya ng mga rebel-terrorist. Meron ding isang pamilya na pinamumunuan ng mag-asawang travel writers.

Magpapahinga ang mga rebelde at ang kanilang mga bihag sa isang ospital sa Lamitan, Zamboanga, kung saan may isang babaeng manganganak (na hindi isa sa mga bihag) — at ipakikita sa pelikula ang paglabas ng sanggol sa mismong puwerta ng babae.

Ayon kay Direk Dante, ang mensahe ng eksenang yon ay sa gitna ng kagulugan at patayan, may umuusböng pa ring buhay. Sa pagtakas ng mg rebelde at ng kanilang mga bihag mula sa ospital na pasasabugin at susunugin ng mga milita, pupwersahin ng mga rebelde ang apat na nurses na sumama sa kanila (tatlo sa mga nurse ay babae at isa ay lalake).

Maganda at makabuluhang pelikula ang Captive na nagtatampok din kina Angel Aquino, Raymond Bagatsing,  Ronnie Lazaro, Rustica Carpio, Allan Paule, Neil Ryan Sese, Sid Lucero, ang stage actress na si Mads Nicolas, at iba pang alagad ng teatro.

Actually, may cameo appearance sina Coco Martin (na ang unang nagpasikat ay si Direk Dante) at Anita Linda na idaragdag pa lang ni Direk at wala pa sa napanood naming bersyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply