Sa kuko ng BI at sindikato ng airlines

maraming umaasenso at yumayaman.
Paano ba naman, ‘di nagkulang sa recreational areas at

playgrounds ang Marikina. Nariyan ang Marikina Riverpark,

Sports Center, Bikeways, at iba pa.
Tanungin kita … kung ikaw ba ang nakatira sa ganitong

siyudad … lilipat ka pa ba?

TULO ang luha habang nagkukuwento ang isang dayuhang dumanas ng matinding dusa at hirap sa kamay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration nang dumating siya sa bansa noong Setyembre 1 dakong alas-9:45 ng gabi lulan ng Jetstar mula Tokyo kasama ang kanyang pakakasalang Pinay.

Hindi pinapasok sa Pilipinas ang dayuhan dahil wala silang return ticket dahil hindi naman sila nasabihan na kailangan ang return ticket gayong pangatlong beses na niya itong pagpunta rito.

Nakiusap sila at halos magmakaawa sa mga tauhan ng BI na tulungan sila kung paano makapapasok sa bansa subalit parang walang narinig ang mga ito at hindi man lang turuan ang Pinay kung ano ang mabuting gawin. “Para akong dayuhan sa sarili kong bayan. Wala akong mahingian ng tulong. Sa ibang bansa, alam ko kung ano ang gagawin dahil ituturo agad sa iyo,” halos tumutulo ang luha at sipon na pahayag ng Pinay sa Pakurot.

Dahilan upang matulog ang dayuhan sa immigration habang ang Pinay ay sa mga upuan sa airport.

Linggo, dahil kailangang lumabas ulit ng bansa, napilitang bumili ng ticket sa Cebu Pacific sa halagang P13,000 patungong Hong Kong ang kawawang dayuhan na naka-schedule ng Lunes ng alas-5:45 ng umaga. Bumili na rin siya ang return ticket sa Philippine Airlines patungong Tokyo, Japan para wala nang usapin pa at makapasok na siya sa Pilipinas.

Pinaalalahanan siya ng tauhan ng immigration na pupuntahan siya alas-3 ng madaling araw ng Lunes para sunduin siya at ilipat patungo sa terminal 3 at aayusin pa ang ilang mga kailangang papeles sa kanyang paglipad sa Hong Kong.

Masaklap, hindi dumating o hindi nagising nang maaga ang taga-Immigration kaya’t hindi nailipat ang dayuhan sa terminal 3 kaya’t naiwan na naman siya ng eroplano patungong Hong Kong. Masakit pa nito, pinagalitan siya ng taga-BI at ipinipilit na kasalanan ng dayuhan. Hindi na rin umano puwedeng i-refund ang ticket niya. Talaga lang ha?

Muli na namang ginawang gatasan ng sindikato ang kawawang dayuhan na dapat sana ay tinutulungan nila at hinahayaang makapagpahinga dahil sa may edad na rin ito. Pinabili na naman ng panibagong round trip ticket ang inakala nilang baka (gatasan) para makalipad sa hapon ng Lunes. Nagpadala ng abiso ang Cebu Pacific sa Immigration kaugnay sa kanyang pagtungo sa Hong Kong.

Nang paalis na naman ang dayuhan, dumating ang taga-Cebu Pacific at saka lang siya sinabihan na hindi siya makalilipad dahil hindi siya tatanggapin sa Hong Kong dahil denied entry siya sa Pinas. Nanlata at halos mapaupo na sa sahig ng paliparan ang dayuhan dahil sa hirap na nga ang kanyang katawan at kalooban ay naaawa pa siya sa kanyang sarili sa ginagawa sa kanyang katarantaduhan ng mga taga-BI at sindikato ng paliparan.

Muli na naman siyang pinabili ng ticket ng Cebu Pacific at sa pagkakataong ito ay sa Singapore na. Hindi na raw nila sasabihin sa Singapore immigration na hindi siya pinayagang makapasok sa Pilipinas. O, di lumabas ang totoo na sa mismong BI at Cebu Pacific nanggagaling ang impormasyon.

Ginagawa lang nilang gatasan ang kawawang dayuhan.

Nagtungo na rin sa tanggapan ng BI ang fiancee ng dayuhan upang hilingin na sana ay payagan na itong makapasok sa bansa dahil sa hirap na pinagdaraanan nito. Pinagpasa-pasahan ang babae sa nasabing tanggapan na sa bandang huli ay para lang sabihin na dineny ni BI Commissioner Ricardo David Jr. ang kahilingan kaya’t kailangang bumalik ito sa kanyang pinanggalingan. Bukod sa pagmamakaawa ng fiance, nagpadala ng sulat ang embahada ng bansa ng dayuhan kasama
pa ang tawag subalit hindi ito pinagbigyan ng BI.

Araw ng Huwebes, para matapos na ang kanyang paghihirap dahil ilang araw na rin namang nasa airport nang walang ligo at walang maayos na pagkain, bumili ulit ng ticket patungong Japan para sa araw ng Biyernes. Muli, nasaid na naman ang kaban ng salapi ng dayuhan dahil sa makailang pagbili ng ticket na ayon sa taga-airport ay hindi na puwedeng irefund.

Maayos na ang lahat, kampante na ang dayuhan at kanyang fiance na babalik na siya sa Japan nang makatanggap ng balita na sa wakas ay pumayag na rin si Davide na pagbigyan ang kahilingan ng dayuhan na makapasok ng bansa.

Matapos ang halos isang linggong paghihirap ng katawan at isipan sa sinapit sa kamay ng mga taga-BI at sindikato natapos ang paghihirap ng nasabing dayuhan na lumabas mula sa paliparan noong Huwebes ng gabi na hapis ang mukha at maga ang mga paa.

Kaya naman nang magdiwang ang Bureau of Immigrating ng ika-72 anibersaryo, sinabon ang mga ito ni Pangulong Benigno Aquino III at tuwang-tuwa ang pamilya ng fiance ng dayuhan.

Dapat anila ay binanlawan na rin ni PNoy ang mga ito. Dapat ding paimbestigahan ng Pangulo ang sindikato sa paliparan.

Naghahanap at nage-engganyo tayo ng mga dayuhan na pasyalan ang Pilipinas. Pinalalakas natin ang turismo pero kapag naikuwento ng dayuhan ang sinapit niya sa kuko ng sindikato at mga balasubas na taga-BI, sa palagay kaya ng pamahalaan ay tatangkilikin pa ang ating bayan kahit anong ganda pa nito?

Mag-isip-isip sana si PNoy kaugnay sa mga taong iniuupo niya sa puwesto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply