Salary increase sa Regions 3, 8 at ARMM, aprubado na

APRUBADO na ang salary hike para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa Regions 3, 8 at Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM).

Ang salary increase ay inaprubahan matapos katigan ng Regional Wage Board ang hirit na dagdag sahod ng mga ito.

Sakaling maipatupad ang umento sa sahod, maglalaro na mula P220.50 hanggang P220.60 ang magiging daily wage o arawang sahod ng mga manggagawa sa private sector sa Region 8.

Maglalaro naman sa P236 hanggang P302 ang magiging arawang sahod sa Region 3 matapos aprubahan ng wage board ang anim hanggang walong pisong dagdag sahod.

Samantala, sa ARMM naman, epektibo na bukas, Sept. 21 ang dagdag na P10 Cost of Living Allowance (COLA) sa arawang sahod ng mga manggagawa doon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply