‘Saludar niratrat si Tirado’

PLANO ni Froilan ‘The Sniper’ Saludar na pabaksakin ang katunggaling si Jose Alfredo Tirado ng Mexico subalit sadyang matibay ang huli kaya nanalo ang Pinoy pug via unanimous decision at tanghaling World Boxing Organization (WBO) Oriental flyweight champion.

Sa umpisa ay pinaulanan agad ng suntok ng 23-anyos na si Saludar ang beteranong Mexican boxer subalit matikas na lumaban ng sabayan ang huli kaya umabot ng 12-round ang premyadong duwelo sa ‘Kamao: Kidlat at Maso’ ng Shape Up boxing promotion ni Anson Tiu Co.

Ibinigay ng mga hurado ang iskor na 120-108, 119-109 at 118-110 para kay Saludar.

“Ini-expect ko naman na aabot sa 12-rounds, pero nag-try din ako na mapabagsak ko kaya binomnba sa first three rounds pero talagang malakas at mahusay kumilos. Ininda ko rin yung mga suntok niya sa tiyan ko, talagang masakit tiniis ko lang pati na yung nararamdaman kong cramps,” pahayag ni Saludar, nahila ang winning streak sa 16.

Hindi man napabagsak ni Saludar si Tirado ay natupad naman nito ang binitiwang pangako sa namayapang kasanggang si Karlo Maguinto.

“Talagang sakripisyo na ang ginawa ko dahil pangako ko na maipanalo ito para kay Karlo (Maguinto),” aniya, patungkol sa kanyang namayapang stablemate na si Karlo Maguinto na mamatay matapos mag-collapsed sa laban niya kay Marc Joseph Costa may walong buwan na ang nakalilipas sa Kalookan City.

Nagsisigawan na ang crowd sa mga unang rounds nang kakitaan ng pagkakataon na mapapagbagsak ni Saludar ang katunggali, ngunit sadyang matibay ang Mexikano at agad na nakababalik at nakagaganti ng suntok sa Pinoy champion.

Sa kabila nito, hindi kinakitaan ng pagaalala si Saludar at tuluyang dinomina ang laban sa kabila ng patuloy na pangungunyapit ni Tirado sa kamay ng Pinoy na itinuturing na isa sa malaki ang pagkakataopn na sumunod sa mga yapak ni eight-division champion Manny Pacquiao.

Naitala naman ni Mark Jason Melligen (23-3, 16 KOs) ng Bacolod City ang tanging knockout results sa walong labang nakatakda sa promotions nang pabagsakin si Sapapetch Sor Sakaorat ng Thailand (28-11, 18 KOs) may 2:08 sa second round.

“Groge na, kaya hindi ko na pinatagal pa,” pahayag ni Melligen.

Sa isa pang 10-rounder undercar, nagwagi si Jerwin Ancajas, super flyweight prospect mula sa Davao Del Norte, kontra Miguel Tamayo ng Mexico via split decision.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply