Saludar uupakan si Tirado

PINAKAMALAKAS na 112 lbs. na boksingero sa Mexico si Jose Alfredo Tirado ganunpaman, hindi nasisindak si reigning Pinoy pug WBO Youth Flyweight Champion Froilan “The Sniper” Saludar dahil kumpiyansa itong mananalo sa laban nila sa Setyembre 21 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Paglalaban nila Saludar at Tirado ang Interim WBO Oriental Flyweight Championship na inorganisa ng Shape-Up Boxing Promotions na pinamagatang Kamao: Kidlat at Maso.

Tangan ng 23 anyos at tubong Cotabato, Saludar ang malinis na 15 wins, isang tabla at may 11 KO habang ang 32-anyos na si Tirado ay may record na 27 panalo 11 talo na may 19 KO kung saan ay dalawa sa tinalo niya ay Filipino at isa duon si Z-Gores.

Unang laban ni Tirado sa Pilipinas subalit tahasang sinabi nito na kahit bata si Saludar ay walang awa nitong bubugbugin kanilang 12 rounds match.

Aminado naman si Saludar na magaling ang kanyang kalaban kaya pinaghandaan niya ng limang buwan ang laban na ito.

“Napanood ko siya sa internet at nakita ko na magaling din siya at may teknik pero gagawin ko lahat para manalo.” wika ng nakatatandang kapatid ni Asian Games gold medalist Rey Saludar kanina sa naganap na press conference.

Samantala, maghaharap sa supporting bouts sina Pinoy boxer Mark Jason Melligen at Sapapetch Sor Sakaorat ng Thailand para sa 147 lbs na may 10 rounds.

May walong rounds naman ang 114 lbs category kung saan ay maguupakan sina Jerwin Ancajas ng Pilipinas at Miguel Tamayo ng Mexico.

Ang nasabing event ay inaalay sa namayapang boksingero na si Karlo Maguinto na sumikat sa edad na 21.
Namatay si matapos ang laban niya kay Marc Joseph Costa nitong Enero 28.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply