Salvage victim, natagpuan sa Caloocan

ISANG hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage na nakasilid sa carton ang natagpuan ng mga residente sa kahabaan ng Pasig st. Kaunlaran Village, Caloocan City.

Nakasuot lamang ng underwear ang hindi pa nakikilalang biktima na nasa pagitan ng 30-35 ang edad, may taas na 5’7  at katamtamang pangangatawan.

Ayon sa ulat, dakong alas 11:30 ng gabi ng Setyembre 6, ng matagpuan ng ilang residente ang bangkay ng biktima na nakasilid sa isang box na agad namang ipinaalam sa mga awtoridad.

Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Scence of Cime Operatives (SOCO), ang nasabing biktima ay may tatlong tama ng saksak sa leeg na siyang agad ikinasawi nito saka binalot ng masking tape ang ulo bago tinalian ng  nylon cord .

Ayon sa mga imbestigador, ang biktima ay sadyang pinahirapan muna bago pinatay ng mga di pa nakikilalang salarin saka itinapon sa nasabing lugar para iligaw ang kanilang imbestigasyon.,

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at inaalam ang pagkakilanlan sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply