Salvage victims sa QC, sumirit sa 11

KUNG ang bilang ng carjacking cases sa Quezon City ay umabot na sa apat sa loob lamang ng isang linggo, umabot naman sa 11 ang bilang ng mga natatagpuang biktima ng summary execution sa loob ng isang buwan.

Ito ay makaraang matagpuan ang dalawa pang hindi nakikilalang bangkay ng lalaki sa dalawang magkahiwalay na lugar sa Quezon City na kapwa may strangulation marks at inabandona sa kalsada.

Ayon kay case investigator PO2 George Caculba, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ng isang lalaki ang isang bangkay dakong alas 5:40 a.m. sa harapan ng Geneva Garden sa Commonwealth Avenue, Barangay North Fairview.

Inilarawan ang biktima na 40 hanggang 45 anyos, 4’10” ang taas at nakasuot ng kulay asul na T-shirt at gray shorts.

Nadiskubre ng taxi driver na si Laurence Lorenzo, ang salvage victim na nakadapa sa bangketa.

Nito namang nakaraang Huwebes, isa pang salvage victim ang natagpuan dakong alas 5:30 a.m. sa harapan ng isang bahay sa Blumentritt Extension malapit sa Calamba Street sa Barangay San Isidro Labrador.

Inilarawan itong 30 hanggang 40 years old, 5 feet tall at nakasuot ng black shirt at blue shorts. May tattoo ito sa katawan.

Naniniwala naman si Caculba na iisa lamang grupo ang nasa likod ng pagkamatay ng 11 summary execution victims na natagpuan sa lungsod sa loob lamang ng isang buwan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply