Sapatos festival 2012 na sa Sept. 10

KUNG nasiyahan kayo sa Sapatos Festival last year … mas pakikiligin kayo sa saya at laki ng diskwento nitong “Walk This Way! Sapatos Festival 2012.

Ipaubaya natin kay Ryan Salvador at sa kanyang mga kasama sa organizing committee at tiyak successful na naman ito.

Upang patuloy na ibangon at isulong ang industriya ng sapatos ng Marikina, minabuti ni Mayor Del R. de Guzman na muling ipagdiwang ang Sapatos Festival simula sa ika-10 ng Setyembre.

Ang launching ay gaganapin sa naturang araw, sa ika-8 ng umaga sa Patio Del Zapateros na nasa kahabaan ng J.P. Rizal sa Brgy. San Roque (katabi ng Shoe Museum).

May temang “Walk This Way!”, itatampok dito ang iba’t ibang aktibidad na magtutulak sa muling pagbangon ng lokal na industriya tulad ng Shoe Caravan sa buong Metro Manila; lingguhang Jammingan; Feast of St. Crispin; pagtatampok sa Shoe-Per Star, Tap Dance, Shadow Dance Play, Shoe-gala, Fashion Shoe, Tour de Takong (Stiletto Race), Gabi ng Parangal para sa Industriya ng Sapatos, Konsiyerto sa Plaza at Marikinawide Bike Festival.

Magtatapos ang pagdiriwang sa ika-18 ng Nobyembre.

Para kay Mayor de Guzman, layunin ng pagdiriwang na maipakilalang muli ang husay ng lokal na produkto at hingin ang suporta ng ibang local government unit para sa tagumpay ng adhikaing ito.

“Hinihingi natin ang pagsuporta ng lahat upang tangkilikin ang produktong gawang Marikina. Ito ay hindi lang malaking tulong sa lokal na mga magsasapatos, kundi sa paglago ng industriyang ito sa kabuuan,” wika ni De Guzman.

Maliban sa Patio Del Zapateros kung saan maaaring makabili ng mura, matibay at dekalidad na sapatos, inaasahan din ang bentahan ng produktong ito sa Marikina City Hall Quadrangle mula Setyembre hanggang Disyembre.

Tiyak na matutuwa na naman sina Gemma Garcia, Meanne Corvera at iba pang kasama natin sa media dahil sa sobrang mura ng mga sapatos at iba pang footwear sa kahabaan ng festival na ito.

Wala munang gastos-gastos nang mapag-ipunan n’yo na.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply