SARS-like virus binabantayan ng DOH

NAKAALERTO ngayon ang Department of Health (DOH) sa mga entry point ng Pilipinas bunsod ng bantang virus na natukoy sa Saudi Arabia na kahawig ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).

Nabatid na may ilang inoobserbahan sa Saudi Arabia na hinihinalang nagpositibo sa naturang virus.

Nilinaw naman ni Health Assistant Secretary Eric Tayag, na wala pa namang nakikitang ganitong kaso sa ating bansa o kahit mga pasyenteng may kaparehong sintomas.

Dahil dito, pinapayuhan ng DOH ang mga Filipino sa Saudi Arabia na magtungo sa Mecca upang magpabakuna laban sa nasabing virus na kahalintulad ng SARS.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply