Sasakyan ng kapitan hinagisan ng granada

NALAGAY sa panganib ang buhay ng isang opisyal ng Barangay makaraan hagisan ng granada ang minamanehong sasakyan, ayon saulat ng pulisya ngayon sa Maguindanao.

Hinagisan ng granada ng di kilalalng suspek ang pick-up ng biktima na si Kapitan Haron Andao ng Barangay Panapan, Mangundadatu, Maguindanao habang binabaybay nito ang kahabaan ng Purok Maharlika, Barangay Poblacion, Tantangan probinsya ng South Cotabato.

Batay sa paunang ulat, tumama ang granada sa harapang windshield ng sasakyan ni Andao pero hindi naman ito sumabog subalit nabasag ang windshield na naging dahilan ng pagkakasugat sa kaliwang braso.

Agad namang tumakas ang suspek sa di malamang direksyon at agad rin namang dinala ang nasabing opisyal sa Tantangan Municipality Health Center upang malapatan ng lunas ang sugat na tinamo.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng South Cotabato Police Provincial Office (PPO) ang hand grenade na M67 at patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply