Satisfaction rating ni PNoy, tumaas – SWS

INIHAYAG ng Social Weather Station (SWS) na umakyat sa 77% ng mga Pinoy, ang kontento sa pamamahala ni Pangulong Benigno Aquino.

Batay sa ulat ng SWS, sumirit ang ‘satisfaction rating’ ng Pangulong Noynoy Aquino at napunto na ito sa +67 at nasa “very good” level.

Ang datos ay batay sa ginawa sa pagitan ng Agosto 24 hanggang 27.

Sinabi ng SWS na 77% ng mga respondent ang nagsabi kuntento sila sa performance ng Pangulo, mas mataas sa 63% noong Mayo.

Ayon sa SWS, mas mataas ng 25 points ang nakuha ng Pangulo noong nakaraang buwan, kumpara sa +42 lamang noong Mayo.

Maliban sa ito ang pinakamataas na nakuha ng administrasyon, nahigitan din nito ang +64 na nakuha noong Nobyembre 2012.

Sa kablang banda, malugod namang tinanggap ng palasyo ang resulta ng survey dahil ito ay pagpapakita lamang na nararamdaman ng taumbayan ang mga ginagawa nitong reporma para sa ikakabuti ng interes ng
publiko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply