Sayang daw ang mawawalang kita: Ate Guy ayaw sa operasyon!

HATI ang mga Noranian sa kung dapat bang mag-undergo ng operasyon sa kanyang lalamunan si Nora Aunor para marinig na nila ang golden voice nito na matagal nang hindi naririnig o saka na lang para hindi maputol ang mga karaketan ngayong nakabalik na siya sa showbiz.

Kung si Ate Guy ang tatanungin, saka na lang daw muna. Sayang naman daw kung mawawala na naman siya nang matagal-tagal.

“‘Yung therapy ang matagal. Kasi sayang naman kung mawawala na naman ako. Kasi kailangan, sabi ng doctor, pagkatapos nang operation, kailangan mag-therapy ako sa New York, at mage-stay ako s’yempre,” sabi ng Superstar sa interview sa kanya sa isang programa sa DZMM.

Dapat daw noon pa siya nakapagpaopera kaya lamang kailangan pa raw niyang mag-ipon dahil may kamahalan ang operasyon.

Kailangan hindi lamang ang pambayad sa hospital at sa doctor ang ipo-provide niya kundi pati ang gastusin pagkatapos nang operasyon lalo pa’t matagal-tagal siyang hindi magtatrabaho.

Anyway, binabati natin si Ate Guy sa pagkakapanalo niya ng the Bisato d’ Oro Award na iginawad ng Premio Della Critica Indipendente at the recently concluded 69th Venice International Film dahil sa kanyang portrayal sa indie film na ‘”Thy Womb” ni Brillante Mendoza.

***

Bisaya gustong-gusto ng masa

“WALA naman sa plano namin na she will run for congresswoman of Cebu. Pero itong mga nakaraang araw na I was with her and I see that the masa of Cebu, they kind of like her. They reciprocate Annabelle’s being a Cebuana. They like her, parang ganoon. Nag-e-enjoy sila sa kanya. Lumalabas yung mga tao from their windows and doors. They know that she is really a Cebuana. She tells her story, kung saan siya lumaki, kung saan siya nag-aral, kung ano nangyari sa buhay niya,” pahayag ni Eddie Gutierrez.

Sa palagay namin, kaya hindi naaalangan kay Annabelle ang ordinaryong mamamayan ng Cebu iyon ay dahil hanggang ngayon kapag nagsasalita siya ay tunog Bisaya pa rin. Hindi siya nag-i-English at simple lang kung manamit.

Hindi siya pa-sosi.

***

Sheena Halili makikipagkulitan sa Bubble Gang

TODO tawanan na naman ang ihahatid ng barkada ng longest running gag show, Bubble Gang! Lumipad sa katatawan sa mga inihandang gags and spoofs ngayong Biyernes kasama si Sheena Halili at maghanda na sa pagbabalik ng nag-iisang Mr. Assimo kasama ang kanyang driver. Sino na naman kaya ang mabibiktima ng nagmamaasim na Mr. Assimo?

Diego, sasabak sa isang job interview? Huwag pahuhuli sa pagharap at pagsagot ni Diego sa mga nakakalokang tanong ng kanyang interviewer. Abangan din ang nakakaaliw na Sagip Superhero at Dove Angel spoofs.

Sumayaw at mapaindak sa kakaibang duo ng Moymoy Palaboy habang ibinibida nila ang all-time favorite girl group na Spice Girls.

Maki-boom sa pick-up lines ng nag-iisa at hindi pa rin mapatumbang si Boy Pick-up at panoorin ang mainit na pick-up-ang hatid nito na tiyak na bibihag sa puso ni Neneng B.

Mas marami pang tawanan at kalokokan ang tiyak na kagigiliwan.

Makisaya sa buong barkada ng Bubble Gang ngayong Biyernes pagkatapos ng Inside Protege sa GMA7.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.co m at maari rin kaming mapakinggan sa Star na S tar sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.     

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply