SBC aalagwa sa team standings

PANIGURADO na ang defending champion San Beda College Red Lions sa Final Four, pakay na lang nila ang mapanatili sa top spot ng 88th season ng NCAA men’s basketball tournament.

Tangan ng Red Lions ang 12-2 win-loss slate nasa likuran nila ang last year’s runner up San Sebastian College Stags na may 11-4 karta.

Kailangan ng Mendiola-based SBC na kalusin ang laglag ng Arellano U Chiefs upang palakasin ang asam na No. 1 sa elimination round.

Nakatakda ang banggaan ng San Beda at Arellano bukas sa alas 4 ng hapon na gaganapin sa The Arena sa San Juan.

May kartang 5-9 ang Chiefs kaya naman malabo na silang makapasok sa top 4.

Sa second game, parehong wala ng pag-asa ang kulelat na Lyceum of the Philippines Pirates at Emilio Aguinaldo College Generals.

Samantala, tatlong koponan ang nag-aagawan sa third to fourth spot.

Parehong may tig 9-6 panalo-talo baraha ang Perpetual Help Altas, Jose Rizal University Heavy Bombers at host letran Knights.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply