SC: 24 % block of shares sa SMC, pag-aari ng gobyerno

PINAGTIBAY ng Korte Suprema ang nauna nitong desisyon na nagdedeklarang pag-aari ng gobyerno ang 24 percent block of shares sa San Miguel Corporation.

Sa siyam na pahinang resolusyon na isinulat ni Associate Justice Presbitero Velasco na may petsang September 4, ibinasura ng Korte Suprema dahil sa kawalan ng merito ang motion for reconsideration na inihain ng Philippine Coconut Producers Federation Incorporation o COCOFED, Manuel Rosario, Domingo Espina, Salvador Ballares, Joselito Moraleda, Paz Yason, Vicente Cadiz at iba pa makaraang mabigo ang mga ito na maglahad ng bagong argumento.

Kinatigan ng Kataas-taasang Hukuman ang January 24, 2012 resolution nito na pumapabor naman sa naunang desisyon na ipinalabas ng Sandiganbayan nuong 2004.

Ayon sa Korte Suprema, ang 24 percent block of shares sa SMC na iginawad sa Coconut Industry Investment Fund o CIIF na kilala rin sa tawag na coco levy fund ay public fund at pag-aari ng gobyerno.

Tinatayang aabot ng P100 billion ang halaga ng coco levy shares sa San Miguel Corporation na binubuo ng mahigit sa 753 million block of shares.

Tinukoy din sa pinakahuling desisyon ng Korte Suprema na dapat gamitin ang nasabing pondo para sa bepenisyo ng mga magniniyog o coconut farmer at para sa pagpapaunlad ng local coconut industry.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply