SC employees maagang makatitikim ng pasko

MAAGANG nakatikim ng regalo mula kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang mga opisyal at kawani ng hudikatura.

Ito ay matapos na aprubahan ni Sereno ang pagpapalabas ng fringe benefits para sa lahat ng court officials at mga empleyado noong September 17, 2012.

Alinsunod sa batas, pinapayagan ang Chief Justice na magkaloob ng fringe benefits o benepisyo sa mga opisyal at kawani ng korte upang makatulong na maibsan ang kanilang pangangailangan.

“…to help them overcome the present economic difficilties, to boost their morale and to further their commitment and dedication to their jobs…”, ayon sa naturang batas.

Bilang bahagi na rin ng tradisyon, ang bagong Chief Justice ay  pinapayagan din na magkaloob ng one-time financial assistance sa mga kawani sa panahon ng kanyang pagkakatalaga.

Batay sa Memorandum Orders 29-2012 and 29-A-2012, ang mga justice, officials at personnel ng Supreme Court, Presidential Electoral Tribunal ay makatatanggap ng P15,000 benefits samantalang ang justices, officials at mga personnel ng Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals naman ay P10,000.

Manggagaling ang pondo sa Fiscal Management and Budget Office ng Supreme Court at sa Fiscal Autonomy Account ng PET.

Samantala, ang mga hukom naman, opisyal at empleyado ng lower courts ay tatanggap ng  tig-P7,000 kada isa. Manggagaling ang pondo mula sa fiscal autonomy account ng mga mababang korte.

Nakasaad rin sa resolution na may pondo na para sa financial assistance.

Sa ilalim ng implementing guidelines ng Korte Suprema, ang mga nagtrabaho na sa judiciary na sumapit na 4 na buwan noong August 31, 2012 ay tatanggap ng full amount habang ang mga nakapagtrabaho naman  nang mas mababa sa apat na buwan sa nabanggit na petsa ay tatanggap ng halagang ayon sa pro-rated basis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply