SC: TRO sa Innocence of Muslim, di saklaw ang YouTube, Google

HINDI saklaw ng inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court ang paglabas sa anti-Islamic film na  ‘Innocence of Muslims’  sa Google at You tube.

Ito ang nilinaw ngayon ng Korte Suprema hinggil sa naturang palabas na nagdulot ng matinding karahasan sa Libya at karatig bansa.

Sa naging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman, ipinagbabawal ang pagpapalabas ng pelikula sa Pilipinas subalit hindi kasali ang video sharing sa You Tube at maging sa Google.

Ang Movie, Television Review and Classification Board (MTRCB) ay inatasan na rin ng SC na tiyaking hindi maipalalabas ang pelikula sa  bansa.

Magugunitang hiniling ng mga grupo ng Muslim na huwag ipalabas ang nasabing pelikula dahil nagpapakita umano ito ng kabastusan kay Prophet Mohammad.

Ang nasabing pelikula rin ang sinasabing ugat ng matinding protesta at kaguluhan sa mga Muslim countries.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply