Science teachers may special training para sa K+12

NAKATAKDANG sumailalim sa special training ang mga science teacher sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong buwan bilang paghahanda para sa bagong curriculum sa ilalim ng “K + 12 Program” ng Department of Education.

Ipinahayag ni Education Secretary Armin Luistro, na magsisimula ang seminar workshop para sa mga science teacher sa Setyembre 26 hanggang 30 (2012).

Isasagawa ang naturang aktibidad sa Ecotech Center sa Cebu City bilang bahagi rin ng pagdiriwang ng 2012 National Science Club Month.

Kabilang sa magiging paksa sa seminar ang mga bagong paraan sa pagtuturo ng Science and Technology.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply