Seacat 2012 tungo sa seguridad pangkaragatan

ISANG magandang pagkakataon ng pagkakaisa laban sa pagsawata ng mga banta sa kapayapaan at kaayusan sa karagatan itong kalilipas lamang na Southeast Asia Cooperation and Training (SEACAT) exercises.

Sa panahon ngayon, laganap na ang mga krimen na nagaganap sa karagatang nasasa­kupan ng ating bansa lalo pa’t dito karaniwang nagaganap ang karamihan ng komersiyalismo di lamang sa pagitan ng ating mga kababayan na nagmumula sa iba’t ibang mga probinsiya, kundi gayundin ng mga dayuhan na nagbubuhat pa sa malalayong bansa.

Sabay sa pagsulong ng ko­mer­siyalismo at ng ekonomiya ng ating bansa ay ang patuloy na banta ng terorismo, poaching, human trafficking, drugs at marami pang iba.

Sa paghahangad ng ka­ramihan na umunlad ang buhay, sadyang marami ring mga tao ang nagsasagawa naman ng hakbang kahit sa maling paraan.

Maigi na lang na nariyan ang SEACAT na taunan nang ginagawa ng mga navy ng Estados  Unidos at ng limang bansa sa Southeast Asia — ang Pilipinas, Brunei, Indonesia, Malaysia at Thailand.

Ngayong taon, ang SEACAT 2012, ay nagsimula noong Agosto 28, 2012 hanggang September 2, 2012, na may layuning mapaigting ang interoperability laban sa tero­rismo, transnational crimes at iba pang banta sa karagatan na tutuon sa real time information exchange, coordinated surveillance operations, tracking, at ang pagsasagawa ng Visit Board Search and Seizure (VBSS) sa isang target na sasakyang pandagat mula sa US.

Gaya ng mga nakaraang SEACAT, ilang barko mula sa mga kalahok na Southeast Asian navy ang sasama sa training, kabilang ang isang US Navy ship, USS Safeguard ngayong taon, na si­yang naatasang target vessel.

Dahil sa kasanayang ito, mapa­lalawak ng Hukbong Dagat ang regional coordination, information sharing, at ang pinagsanib ng inte­r-operability capability ng mga kalahok na  navy sa rehiyon, gayun­din ang masubukan ang kanilang tauhan, naval assets operatio­nal readiness at higit sa lahat ay ang pagpapayabong ng maritime security capability ng Armed Forces of the Philippines.

Malaking bagay ito para sa ating lahat lalo’t higit pa na may mga kasapi na ASEAN navies. Pero lalong magiging matagumpay ang pagsasanay na ito kung meron ding suporta mula sa ating mga kababayan dahil para naman talaga sa kanilang kapak­anan ang mga pagsasanay ng Navy na tulad nito.

Kaya natin yan Pinoy!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply