Sec. Paje itinalaga si Atty. Elenito M. Bagalihog bilang NWRB OIC Executive Director

ITINALAGA kamakailan ni Kalihim Ramon J.P. Paje ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Attorney Elenito M. Bagalihog bilang Officer-in-Charge, Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB) matapos makapagretiro mula sa paglilingkod sa pamahalaan ni Executive Director Vicente S. Paragas sa pamamagitan ng DENR Special Order 2012-694 inilabas noong ika-13 ng Setyembre 2012.

Si Attorney Bagalihog na isang action man at mahusay sa pagpapatawa ay isang Masbateño dahil ipinanganak siya sa Mobo, Masbate. Bilang abogado, nakapagtapos siya ng Bachelor of Laws sa San Carlos University sa Cebu City.

Humawak siya ng ilang posisyon sa pagka-abogado sa publiko at pribadong sektor bago pumasok sa NWRB noong 2002 bilang Hepe ng Water Rights Division (WRD). Bago siya itinalaga bilang OIC, Executive Director, siya ang OIC ng Deputy Executive Director’s Office (DEDO).

Ang kanyang mga propesyunal na karanasan ay suportado ng kanyang partipasyon sa ilang pagsasanay, seminar at workshop dito at sa ibang bansa lalo na sa water allocation, water rights, integrated water resources management at river basin management. Isa siya sa mga naiimbitang tagapagsalita ukol sa Water Code of the Philippines at ang inamyendahang implementing rules and regulations.

Sa pagkakatalaga ni Atty. Bagalihog bilang OIC ng ahensiya, kasabay na itinalaga ng NWRB Management Committee sina Engr. Jorge M. Estioko bilang OIC ng DEDO at Engr. Evelyn V. Ayson ng WRD. Si Estioko ay siya ring kasalukuyang pinuno ng Monitoring and Enforcement Division.

θ θ θ θ θ

Nais ko po pasalamatan si Cynthia A. Lardizabal, kapatid ni Vilma Asuncion Vergara, isa po sya sa maraming sumusubaybay sa inyong lingkod sa Remate.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply