Secret marshalls, ikinasa sa mga bus, jeepney

NAGPAKALAT na ang National Capital Regional Police Office ng mga  ‘secret marshalls’ upang labanan ang mga holdaper at magnanakaw  na madalas umatake sa mga pampublikong sasakyan gaya ng bus at jeepneys habang papalapit ang panahon ng kapaskuhan.,

Ayon kay NCRPO chief Superintendent Leonardo Espina, inatasan niya ang mga secret marshalls na nakabihis sibilyan na humalo sa mga matataong lugar at kalsada lalo na sa mga hintayan ng jeepneys at bus hanggang sa biyahe ng mga ito upang maaktuhan ang mga holdaper sa mga PUV. Mag-ooperate ang mga secret marshalls ng walang patid 24 oras sa mga kalsada, at sakay ng mga publis transport dahil sa inaasahang pag-atake ng mga masasamang elemento sa pagsisimula ng mga christmas shopping ng mamamayan.

Nagsimula ng mag-dry run ang NCRPO secret marshalls nitong nakaraang mga araw na ikinaresulta ng mga holdaper na napapatay sa kalsada at mga public transport na nabalita sa mga pahayagan kamakailan.

Nagsimula ang secret marshalls noong panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos ,kung saan nnasuot sibilyan din ang mga ito at pinapatay ang mga holdaper na nambibiktima ng mga pasahero sa mga jeepneys at mga bus.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply