Security escort ng Ampatuans sugatan sa pagsabog

NASUGATAN ang security escort nang pasabugan ng M79 grenade launcher ang bahay ng suspended mayor ng Datu Akmad Ampatuan sa Barangay Poblacion sa bayan ng Shariff Aguak Maguindanao.

Ayon sa pahayag ni Engr. Maruf Ampatuan, anak ni mayor Ampatuan, tatlong bala ng M79 grenade launcher ang nag-landing sa kanilang compound at isa sa kanilang security escort ang sugatan.

Dagdag pa ni Engr. Ampatuan, ito na ang ikatlong beses na pinasabugan ang kanilang tahanan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Shariff Aguak PNP sa pangunguna ng kanilang hepe na si Police Inspector Bryan Sayagadoro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply