Security ng pagamutan na nadukutan ng sanggol, pinalitan

TULUYAN ng pinalitan ng Securitron Security Agency ang bagong security agency na siya ngayong mangangasiwa sa seguridad ng Sta Teresita Gen. Hospital sa Quezon City kung saan natangay ang isang sanggol.

Ayon kay Dr. Joseph Tortona, spokesperson ng STGH, tatlong gwardya lamang ang magbabantay sa loob ng 24-oras sa kanilang hospital dahil sa dalawang gate ng hospital, iisang entrance lamang ang papasukan ng mga pasyente at ng dumadalaw.

Dagdag pa ni Dr.Tortona, ipinauubaya na lamang ng pamunuan ng Sta. Teresita General Hospital sa pulisya ang gagawing imbestigasyon sa naganap na pagkawala ng sanggol na si Baby Sean Gabriel delos Santos na umanoy kinidnap sa loob ng hospital noong madaling araw ng Sept 4.

Idinagdag pa ni Dr. Tortona na nakikisimpatya sila sa pamilya delos santos na nawalan ng malusog na sanggol..

Sa kanila na marinig ang pahayag ng DOH na posible umano silang matanggalan ng lisensiya o permit to operate sakaling mapatunayang may mga kahalintulad na ring insidente ng pagkawala ng sanggol sa kanilang ospital.

Niliwanag nito na sa loob ng 60 taon nilang operasyon, ngayon lamang, aniya, naganap ang ganitong insidente na aminado siyang may pagkukulang sa pinaiiral na seguridad ng Superior security agency na 15-taon din nilang kinontrata.

Matatandaang pasado alas kwatro ng madaling-araw noong Sept. 4 ng mawala ang sanggol na si Sean Gabriel delos Santos matapos itong kunin at mailabas ng isang babaeng nagpanggap na isang doktor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply