seeclickfix.com: Isumbong nyo sa mga PIO ng AIMM

IBA na ang panahon ngayon

‘Di mo na kailangang pumunta sa munisipyo o city hall para magreklamo o ipaabot sa mga kinauukulan ang mga dapat nilang aksiyunan.

Mapalad ang Marikina dahil napili ng Ateneo School of Government-Inclusive Mobility Project ang lungsod para maging pilot area para sa isang mekanismo na mapararating ng mga mamamayan sa kanilang pamahalaan ang mga non-emergency issue tulad ng lubak, sirang ilaw, basura, atbp.

Ito ay isang governance feedback & solution tool na ipinakita sa amin ni Dr. Segundo Romero ng ASOG-IMP nang magpulong kami sa kanilang opisina nina Mayor Del R. De Guzman, Dr. Danielle Guillen, Jay-R Cordova, Dinna Dayao at Andre Quintos.

Malaking bagay ito para sa aming mga nasa LGU dahil nalalaman namin sa pamamagitan ng aming mga residente, negosyante o bisita kung saan may aberya para agad naming masolusyonan.

Kaya’t minabuti ko na ipaalam din ito sa mga kasama kong Public Information Officer (PIO) ng 17 LGUs at lahat ng national government agency na miyembro ng Association of Information Officers in Metro Manila (AIMM).

Ibinahagi ko sa kanila ang aking magandang eskspiryensya sa paggamit nitong “seeclickfix.com.”

Maganda na maipaabot natin itong seeclickfix.com sa lahat para naman mapadali natin ang pagkilos ng mga government unit and agencies natin.

Bisitahin ninyo ang site, mag-register kayo. Tapos, maging aktibo kayo sa pag-report ng mga nakikita ninyo sa inyong kapaligiran, lalo na rito sa Metro Manila na puwede naming agad aksiyonan.

Isumbong ninyo sa amin yung traffic enforcer na nangongotong sa kanto.

Kunan ninyo ng picture at i-post sa issue na nire-report ninyo at markahan sa mapa kung saan ito para madaling matunton. Ganyan kadali ang mag-report sa seeclickfix.com.

Bulok na sasakyan na permanente nang nakaparada sa kalye ninyo na nagiging sanhi ng traffic? Sirang escalator ng LRT sa Recto Station? Baradong kanal? Bastos na empleyado ng gobyerno?

Pati ang aming founder, adviser at mamasan na si Dir. Riza Baldoria ng Philippine Information Agency (PIA) ay natuwa sa online application na ito dahil sa napakagandang feedback mechanism nito para sa aming mga nasa gobyerno.

Excited na nga si Susan De Leon ng PIA-NCR at dating PIO ng Caloocan na ipaalam na ito sa mga residente ng Caloocan para magamit na nila agad ito. Teka…mauuna muna kami sa Marikina!

Subukan ninyo kasi sa AIMM … bisitahin na ninyo ang site ng seeclickfix.com at isumbong n’yo na agad sa AIMM!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply